top of page
Search

Bakit ang mahal ng kuryente sa Pilipinas?

Updated: 5 days ago


May isang notification na kayang sirain ang mood mo sa loob ng limang segundo.


"Your Electricity bill is now available."


Minsan, hindi mo pa nga binubuksan ang bill, alam mo nang mapapasabi ka ng, "Grabe, bakit ang mahal na naman?" At kung feeling mo ikaw lang ang nakakaranas nito, don't worry. Lahat tayo yata may mini heart attack kapag oras na ng bayaran.


The thing is, hindi lang siya pakiramdam. Isa ang Pilipinas sa may pinakamahal na presyo ng kuryente sa Asia. Habang ang ibang bansa sa Southeast Asia ay mas mababa ang binabayaran kada kilowatt-hour, tayo, halos doble ang presyo kumpara sa Thailand at ilang beses na mas mahal kaysa Malaysia.


So... bakit nga ba?


Actually, parang perfect storm siya.


  1. Imported ang karamihan sa fuel na ginagamit natin. Malaking bahagi ng electricity natin ay galing sa coal, oil, at natural gas. Ang problema, karamihan sa mga ito ay ini-import pa. Kaya kapag may giyera sa ibang bansa, tumaas ang presyo ng langis, o lumakas ang dolyar, hindi man natin agad mapansin sa balita, ramdam natin sa susunod na billing cycle.


Parang domino effect. May nangyari sa global market, tapos ang ending... mas mahal ang bill natin.


  1. Marami sa mga power plant natin ay tumatanda na. Imagine mo ang isang lumang sasakyan. Habang tumatagal, mas madalas itong ipa-maintenance at mas mahal ang gastos para manatiling maayos ang takbo.


Ganoon din ang maraming power plants sa Pilipinas. Mas mataas ang operating cost, mas mahal gumawa ng kuryente. At eventually, kasama rin iyon sa binabayaran natin.


  1. Mahirap talaga maghatid ng kuryente sa bansang may higit 7,000 isla

Hindi tayo tulad ng ibang bansa na may isang malaking interconnected power grid. Sa Pilipinas, iba-iba ang challenges ng bawat isla. May mga transmission line. May submarine cables. May mga lugar na mas mahal talaga ang logistics. At lahat ng iyon, may katumbas na gastos.

Kapag pinagsama mo ang tatlong ito, mas madaling maintindihan kung bakit tila hindi bumababa ang singil sa kuryente.


Pero here's the interesting part. Karamihan sa atin, maling parte ng bill ang tinitipid.


Kapag gusto nating makatipid, halos pare-pareho ang advice na naririnig natin: patayin ang ilaw kapag walang tao, tanggalin sa saksakan ang charger, gumamit ng LED bulbs, o bawasan ang oras ng aircon. At oo, may epekto naman talaga ang mga ito. Pero paano kung ang mahal ay hindi lang dahil sa dami ng ginagamit mong kuryente? Paano kung mahal na talaga ang presyong binabayaran mo para sa mismong kuryente?


Kapag tiningnan mo ang Meralco bill mo, mapapansin mong hindi lang iisang charge ang binabayaran mo. May transmission charges, distribution charges, taxes, at iba pang fees. Pero ang pinakamalaking bahagi nito ay kadalasang ang Generation Charge—ang presyo ng mismong electricity na ginagamit mo araw-araw.


At ito ang bahagi ng bill na maraming Pilipino ang hindi alam na may choice pala.

Marami sa atin ang lumaki na ang alam lang ay kung sino ang distribution utility sa lugar natin, iyon na rin ang nagbibigay ng kuryente. Kung Meralco ang nasa area mo, Meralco lang ang option. Parang noong unang panahon na iisa lang ang internet provider sa subdivision ninyo. Hindi mo na naiisip na may iba pang puwedeng pagpilian.


Pero nagbago na ang electricity market.


Sa ilalim ng mga polisiya ng gobyerno tulad ng Retail Aggregation Program (RAP), may mga condominium, commercial buildings, at iba pang komunidad na maaari nang magsama-sama para makapili ng sarili nilang Retail Electricity Supplier. Hindi nito pinapalitan ang Meralco o ang local distribution utility ninyo. Hindi rin papalitan ang metro, mga poste, o mga linya ng kuryente. Sila pa rin ang magde-deliver ng kuryente at reresponde kapag may outage.


Ang nagbabago lang ay kung sino ang nagge-generate ng kuryenteng binabayaran mo. At dahil competitive ang market, may pagkakataon kang makakuha ng mas mababang generation rate.


Ang challenge? Hindi siya ganoon kadaling gawin mag-isa.

Kailangan mong maghanap ng iba't ibang Retail Electricity Suppliers, ikumpara ang magkakaibang pricing structures nila, alamin kung qualified ang building o community ninyo, at dumaan sa iba't ibang administrative at regulatory requirements. Posible itong gawin, pero para sa karamihan, masyado itong matrabaho at technical.


Diyan pumapasok ang Powerhouse.


Ginawa ang Powerhouse para gawing simple ang isang komplikadong proseso. Sa halip na ikaw ang maghanap ng suppliers at magkumpara ng rates isa-isa, kami ang gumagawa ng analysis para makita kung may mas magandang generation rate para sa inyong building o komunidad. Kami rin ang tumutulong sa coordination at documentation para hindi mo na kailangang intindihin ang technical at regulatory side ng proseso.


Simple lang ang goal namin: hindi baguhin ang paraan ng pagdaloy ng kuryente sa bahay o opisina mo, kundi tulungan kang magbayad ng mas mababang generation rate kung may mas magandang option para sa iyo.

Kaya sa susunod na makita mo ang notification na "Your electricity bill is now available," baka hindi na ang una mong maisip ay "Bakit ang mahal?" Baka ang itanong mo na ay, "May mas magandang rate kaya para sa amin?"


Kung gusto mong malaman kung qualified ang inyong building, condominium, o community para makakuha ng mas mababang generation rate, bisitahin ang mypowerhouse.ph at i-upload ang inyong Meralco bill. Malay mo, ang pinakamalaking matitipid mo ay hindi manggagaling sa pagpatay ng ilaw, kundi sa pag-alam na may choice ka pala.

 
 
 

Comments


Blurry Blue_edited.jpg

Zero fees. 100% free. Just savings.

Empower your community with the power of choice to #TipidTogether.

bottom of page