How to read your Electricity Bill? (Let’s check the receipts!)
- My Powerhouse

- 6 days ago
- 2 min read

Parating na naman ang katakot-takot na "blind box" na ayaw nating matanggap buwan-buwan: ang electricity bill mo.
Matic ang tingin sa Total Amount Due, minus agad sa sahod, sabay tanong sa sarili: "Gaano ko ba katagal binuksan 'yung aircon ngayong buwan?"
Ang sakit sa ulo.
Alam mo ba talaga kung paano basahin ang nakasulat doon? Well, good news: you don’t need to be an engineer para ma-decode ito. Here’s a no-nosebleed guide para mabasa ang bill mo at malaman kung saan ka ba talaga pinagkakakitaan.
Spotting the main characters in your bill.
Kung titingnan mo ang breakdown sa likod o sa gitna ng bill mo, tatlong bagay lang talaga ang kailangan mong tandaan. Isipin mo na lang silang tatlo sa isang sitcom:
Generation Charge (Supply)
Ito ang bayad sa mismong kuryenteng ginamit na pass-through charge lamang ng supplier ni Meralco. Siya ang pinakamabigat sa bill mo, dahil hawak niya ang 60% or more ng kabuuang babayaran mo. Kung bakit biglang nag-spike ang bill mo kahit nagtiis ka namang mag-electric fan? Ito ang rason.
Transmission and Distribution Charges (Delivery)
Ito naman ang napupunta sa grid operator (NGCP) at mga distribution utility (gaya ng Meralco) para sa pag-deliver ng kuryente mula sa kanila mga power plant .
Nasa 25% lang ang kinikita ng NGCP at Meralco sa bill mo. Kumbaga sa food delivery app, sila ang rider. Ang binabayaran mo sa kaniya ay delivery fee lang.
System Loss, Taxes, and Subsidies
Ang mga additional na tax ng gobyerno at iba pang side charges. Maliit lang sila paisa-isa, pero kapag nagsama-sama, nakakadagdag din sa babayaran mo.
How can Powerhouse help you lower your electricity bill?
Now that you know how to read the receipts, anong gagawin natin? Hahayaan na lang ba nating maubos ang budget natin buwan-buwan? Heto ang paraan para maging mas wais pagdating sa energy expenses.
Kung napansin mo sa bill mo na ang kW (Peak Demand) niyo ay palaging mataas (around 100 kW pataas), o kaya naman ay pagod ka na sa pa-surprise na taas-baba ng Generation Charge, you now have the power to choose.
Bigger Volume, Bigger Discounts: Kung ang community, condo, o business niyo ay malakas gumamit ng kuryente, pagsasamahin namin ang demand niyo para magmukha kayong isang malaking kumpanya sa mata ng suppliers.
The Power of Choice: Imbis na tanggapin lang kung anong default rate ang ibinibigay sa inyo, kami ang maghahanap ng mga Retail Electricity Suppliers (RES) na magbibigay sa inyo ng mas murang presyo.
Fixed Rates, No Surprises: Pwede mong piliin ang isang fixed rate. Ibig sabihin, kahit mag-wild ang presyo ng petrolyo sa buong mundo, steady lang ang presyo ng kuryente mo. Iwas-bill shock!
Gusto mo ng katulong mag-decode ng bill niyo? I-send ang photo ng bill niyo sa mypowerhouse.ph at kami na ang maghahanap kung nasaan ang hidden savings niyo completely for FREE.





Comments