The Secret to How Big Businesses Save on Their Electricity (And How to do it)
- My Powerhouse

- Jun 24
- 3 min read
Updated: 4 days ago

Napansin mo ba? Kahit ang lalaki ng mga shopping mall, naglalakihang factories, at office towers na 24/7 ang aircon at ilaw, hindi sila natatakot tuwing darating ang electric bill. Habang ang mga regular na consumer like you at medium-sized businesses ay laging kabado sa monthly price spikes, ang mga kumpanya ay chill lang.
Ano nga ba ang sikreto nila? May special discount ba sila mula sa distribution utilities?
The answer is simple: They don’t pay the default market price for electricity. For a long time, may exclusive privilege silang pumili ng sarili nilang supplier at mag-negotiate ng sarili nilang rates.
But here’s the good news: hindi mo na kailangan maging malaking kumpanya para magawa ito. Pwede mo na ring manahin ang sikretong ito. Here’s how:
The VIP Market: Ano ang "Contestable Market"?
Sa Pilipinas, nahahati sa dalawang grupo ang mga gumagamit ng kuryente:
The Captive Market: Ito ang mga regular na households at maliliit na tindahan. Kung sino ang nakakasakop na utility company (gaya ng Meralco) sa area niyo, no choice ka kundi tanggapin kung magkano ang default Generation Charge buwan-buwan.
The Contestable Market: Ito naman ang mga VIP. Sila ang malalaking negosyo na pasok sa threshold na sinet ng gobyerno. Dahil malakas silang gumamit ng kuryente, binibigyan sila ng karapatang mamili ng sarili nilang Retail Electricity Supplier (RES).
Isipin mo na lang na parang pakyawan sa Divisoria. Kung bibili ka ng isang pirasong damit, bibilhin mo ito sa retail price. Pero kung isang bulto ang kukunin mo, may power kang maka-tawad at humingi ng bagsak-presyo. 'Yan ang ginagawa ng malalaking kumpanya sa kuryente nila.
Enter the Retail Aggregation Program (RAP)
Dati, kailangan mong umabot sa malaking energy demand para lang makasali sa VIP market. Kung ikaw ay isang household, small business owner, commercial building, o residential condominium, masyado kang "maliit" para pansinin ng mga wholesale suppliers.
But now, mas mababa na ang threshold thanks to the Retail Aggregation Program (RAP).
Ano ang ibig sabihin nito sa simpleng Taglish?
Kung hindi kaya ng building mo na umabot sa required na lakas ng kuryente mag-isa, pwede kayong mag-squad goals. Pwedeng pagsamahin (o i-aggregate) ang demand ng magkakakatabing bahay, commercial spaces, mga pwesto sa isang mall, o mga unit sa loob ng isang condo.
Kapag pinagsama-sama ang consumption niyo, magmumukha kayong "isang malaking factory" sa mata ng mga power suppliers. At kapag malaki na ang volume niyo, kusa silang lalapit sa inyo para mag-alok ng mas mababang rates!
How MyPowerhouse can help
Hindi mo kailangang maging eksperto sa batas ng enerhiya para magawa ito, dahil ang MyPowerhouse ang gagawa ng dirty work for you.
Kami ang Mag-a-aggregate: Tutulungan namin ang community, building, o business association niyo na magsama-sama para maabot ang bagong lower threshold ng gobyerno.
Kami ang makikipag-usap sa suppliers: Dadalhin namin ang pinagsama-samang demand niyo sa mga Retail Electricity Suppliers. Hahayaan naming mag-agawan at mag-labanan sila sa presyo para makuha ang business niyo.
Goodbye Jumpscares: Tutulungan kayong makakuha ng fixed-rate contracts. Ibig sabihin, kahit mag-fluctuate ang presyo ng coal o dollar sa mundo, ang presyo ng kuryente niyo ay mananatiling stable at predictable.
Ang pinakamagandang bahagi? Walang magbabago sa physical infrastructure niyo. Ang mga kable, poste, at metro niyo ay mananatiling hawak ng inyong local distribution utility na siyang mag-aasikaso pa rin kapag may emergency. Ang magbabago lang ay ang source ng kuryente at ang presyo sa bill mo.
Alamin kung paano pwedeng mag-switch completely for FREE. Upload your latest bill at portal.mypowerhouse.ph/signup and start saving now!





Comments